No Smoking
Bawal nang manigarilyo
Ulat ni Walter L. Lingon, January 12, 2009
LUNGSOD NG LIPA- Kasalukuyan nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, pamahalaang gusali at loob ng mga pampublikong sasakyan sa Lungsod ng Lipa.
Ito ay matapos pagtibayin nitong nakaraang ika-23 ng Setyembre, 2008 ang General Ordinance No. VII ( Series of 2008) o “Ordinance Banning Smoking in Public Places and Inside Public Utility Vehicles Within The City Of Lipa”.
Ayon kay Konsehal Avior Rocafort, may-akda ng ordinansa, “Ang purpose ng ordinansa bukod sa maproteksyonan ang kalusugan ng iba ay magbigay respeto rin sa ibang tao na hindi naman naninigarilyo o pagkakaroon ng Social responsibility.”
“Higit na tututukan ng ordinansa ang mga pampublikong sasakyan lalo na ang mga dyip na kung saan ang ibang pasahero at minsan ay ang drayber mismo ay walang pakundangan kung magbuga ng usok mula sa kanilang sigarilyo. Kaya dapat alam ng mga drayber ng jeep ang mga ordinansa ng mga bayang dinadaanan nila,” dagdag pa niya.
Batay sa nasabing ordinansa, ang paninigarilyo ay ipinagbabawal sa loob ng mga silid-aralan o anumang institusyong may kinalaman sa edukasyon, loob at lobby ng sinehan, sa mga ospital at klinika, at sa loob ng mga shopping mall.
Gayundin sa mga tanggapang pampamahalaan at ilang pribadong establisiyemento na itinalaga at may babalang “No Smoking Area” katulad ng karaoke bars, beerhouse at nightclubs.
Mahigpit namang ipinagbabawal sa kahit anong bahagi ng hospital.
Bawal rin ang paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, dyip, vans, multicab, traysikel at iba pang mga sasakyang ginagamit ng publiko.
Samantala, pinapahintulutan naman ang ibang estabilisimyento na magkaroon ng smoking area kung ito ay nasasaraduhan (enclosed) at mayroong maayos na exhaust ventilation.
Kampanya
Nakapagsagawa na ang lokal na pamahalaan katuwang ang De La Salle University (DLSU) ng ilang pangangampanya upang maipakalat ang nasabing ordinansa tulad ng pagkakapit ng mga sticker sa mga pampublikong sasakyan at paglalagay ng mga poster sa mga pampublikong lugar.
“Balak din naming magsagawa ng educational campaign at paglalagay ng signboards ng “No Smoking” sa iba’t ibang lugar,” ani Kon. Avior.
Ang mga mahuhuli namang lalabag ay papatawan ng multang P300 sa unang paglabag, P500 piso sa ikalawa at sa ikatlo at mga susunod na paglabag ay may multang P1,500 o pagkakakulong nang hindi hihigit sa limang araw depende sa pasya ng korte.
Binigyang kapangyarihan naman ng ordinansa ang lokal na kapulisan at ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na manita at manghuli sa mga taong naninigarilyo sa mga lugar na ipinagbabawal.
Paglilinaw ni Kon. Avior, ang CENRO ay naatasang magpatupad ng ordinansa sa mga estabilisimyento at mga traffic enforcer naman pagdating sa kalsada o mga pampublikong sasakyan.
Naisakutaparan ang pagpapasa ng ordinansa sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Lipa at ng DLSU-Lipa, sa pangunguna ni Herbert Bautista NSTP Department.
Bukod sa Lipa, ang ilang pangunahing lungsod sa Pilipinas tulad ng Davao, Lungsod ng Batangas, Makati at Calapan ay mayroon na ring ordinansang nagbabawal paninigarilyo.
(credits: Balikas Online)
Kung meron kayang driver ng jeep na naninigarilyo, masaway nyo kaya ?
Maiintindihan !
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment