Batangeño

Vehicular Accident in Batangas

MEDIA: 'Lo, kayo daw po ang saksi?

LOLO: Ay uwoh! Ika'y pumarne dine sa silong.
Kung ako pa naman ang dadais sa iyo eh yae ka na!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina.
May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na!

Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin???
Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli!
Aba'y maiipit na'y naka-umis pa!
Kainaman....

Hayown!
Sa pag-iwas ng dyip ay sya ang sumalya sa tarangka.
Tiklap ang tapaludu, lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche.

Pagkakabugnot ng drayber!
Ngalngal e!

MEDIA: Ho?

No comments:

Post a Comment